Wednesday, April 25, 2007

TOP 24 - Oreta kulelat

Halos magkamukha ang resulta ng top 24 senatorial candidates ng Pulse Asia at SWS.



1) Loren Legarda
2) Manny Villar
3) Francis Escudero
4) Panfilo Lacson
5) Francis Pangilinan
6) Ralph Recto
7) Edgardo Angara
8) Joker Arroyo
9) Allan Peter Cayetano
10) Vicente Sotto
11) Noynoy Aquino
12) Gregorio Honasan
13) Kokoy Pimentel
14) Juan Miguel Zubiri
15) Sonia Roco
16) Micheal Defensor
17) Cesar Montano
18) John Osmena
19) Prospero Pichay
20) Vicente Magsaysay
21) Antonio Trillanes
22) Richard Gomez
23) NIkki Coseteng
24) Tessie Aquino Oreta

Ok na sa akin kung magiging ganito ang kalalabasan ng resulta ng halalan sa Senado. Yung mga pesonalidad ang batayan ko at hindi ang kani kanilang partido. Ala naman talagang pinag iba ang dalawang partido.

Buti nga kay Oreta. May pa sorry sorry pa syang nalalaman. Balimbing to the max. Di nakuha sa oposisyon, bumaligtad agad. Naka tsamba lang sya noon, pang 12, lumaki na nang husto ang ulo.

Bokya si Richard Gomez. Ambisyoso kasi. Nang hindi tanggapin sa oposisyon, nag apply sa administrasyon. Nang di rin mapasama sa line up, nag solo. Nagsisimula pa lang balimbing na. Kumandidato na lang sana sya bilang konsehal tiyak panalo sya. Tingnan mo si Isko Moreno ngayon, tumatakbo nang bise alkalde ng Maynila.

Si Coseteng, isa pa itong di matuto tuto. Kahit sa pagka kongresista nga sa Quezon City natalo sya tapos mag aambisyon pa syang makabalik sa Senado. Please......

Buti na lang si Chavit sumabit. Walang nagawa yung pamumudmod nya ng pera. Pag ito ang naupo, tiyak marami itong kukurakutin dahil malaki laki ang nagastos sa kampanya. Di na kasi nakuntento sa Ilocos Sur.

Walang ding nagawa ang pera ni Pichay. Nalanta ng husto. Malas nya kamukha nya si shrek.

Isa pa itong si John Osmena. Hanggang ngayon ilusyonada pa rin kahit isinuka na sya noong nakaraang halalan. Di na lang kasi maggantsilyo sa tumba tumba.

Di ko ikatutuwa kung sakaling makalusot si Sotto at Honasan. Si Honasan hanggang ngayon di ko sya mapapatawad kahit umamin na syang nagkamali sya. Malaking dahilan kung bakit ano tayo ngayon ay ang mga coup ni Honasan noon. Nasayang ang bwelo ng Cory magic at people power. Sumadsad ng husto ang ekonomiya natin noon dahil sa mga coup ni Honasan habang umaarangkada ang mga kapitbahay natin. Lumabas na lang sya sa pulitika tutal wala naman syang nagawa ng maupo sa senado. Gawin nya yung gusto nyang gawin para sa bayan outside the political arena baka sakaling mapatawad ko pa sya.

Si Sotto? Mas mato tolerate ko pa sya kaysa sa isang Chavit. Pero may ibang pang mas mahusay dyan. Palitan na natin ito.

Isa pang gusto kong matalo si Kokoy Pimentel. Eh ano ngayon kung bar topnotcher sya. Di na ba sya makapaghintay. Walang delikadesa ang mag amang ito. Akala mo kung sinong mga santo kung umasta pero trapong trapo din naman. Mga ganid sa kapangyarihan.

Kung saka sakali, may tatlong bagong mukha sa senado. Sina Escudero, Cayetano at Noynoy Aquino. Ok lang. Sana may madagdag pa tulad ni Roco o kaya si Defensor. Sa pangkalahatan acceptable na sa akin kung ganito ang magiging resulta ng halalan.

Mas ok sana kung ang mga makakapasok ay ang mga kandidato ng Ang Kapatiran kaso bigla silang sumabak. Sa labanan ng pulitika dito, hindi lahat nadadaan sa prinsipyo. Kakagatin naman sila ng mga botante kung "nakapag ingay" sila kahit papaano bago pa ang kampanya. Kaso parang out of nowhere bigla na lang silang sumulpot. Yung pagiging "novelty" nila is not enough to be translated into votes in spite of a fairly good media coverage.

Mukhang kitang kita na natin kung sino sino ang maglalaban sa 2010. Pero ako, Tony Meloto pa rin.

3 comments:

Orlando Rubio said...

Masakit kang magsalita ate. Anyway tama ka sa lahat ng sinabimo. More power sa blog mo. By the way paki add naman ng blog ko sa list mo or sa blogrolling. Thanks in advance. sayang nga ang naumpisahan ni Cory. Honasan dapat sa kanya ay sa kulungan.
health is wealth

Anonymous said...

these surveys. i don't wanna believe it's going to BE THE RESULT of the actual elections...

Ramon Guico said...

Let's hope for a change! Vote wisely this 2010 election.

-pia-