Marami na ang nasabi at nasulat bilang reaksyong sa SONA ni GMA noong nakarang Lunes. Ang sa akin, matapos ang talumpati, ala lang. Ako's isang ordinaryong mamamayan lamang na nanood ng palabas ng mga pulitiko.
After reading Manolo's minute by minute acount of the day's event, it made me realize that people do take this SONA very, very seriously.
Masyadong predictable ang mga reactions sa SONA. Pag kakampi ka, very good ang reaction. Pagkaaway, kung anu anong puna at batikos. Lagi namang ganun di ba? Once you know where people are coming from, may idea ka na sa mga magiging reactions nila. Ang balita, kung maiiba ang reactions nila sa expectation mo. Yun ang news. Kaso wala naman talagang naiba.
Pansin ko lang, tuwing SONA, may from the crowd na binabanggit ang pangulo. This year, mostly sa mga ni recognize ay mga estudyante na nanalo sa iba't ibang competition. It's an obvious attempt to raise our spirit. Pero hanggang doon lang naman yon. Hindi naman talaga magre register sa atin. Mga props lang sila sa isang palabas. Pagkatapos ng speech, wala na.
Lahat sila forgetables except siguro doon sa tatlong bata ng bangkang papel. Isa sa mga bata sa bangkang papel na feature sa evening news. Ayun, hirap pa rin sa buhay. Nag aaral pa naman at tumatanggap ng P18,000 taon taon mula sa gobyerno. Kumusta na kaya si Mang Pandoy?
Sa panahon lang yata ni GMA na naging big deal ang SONA. Ano ba talaga ang meron dito na masyadong inaabang abangan at kinapapanabikan. Ilang linggo pa bago mag SONA, pinag uusapan na ito. Syempre una dyan kung bibigyan ba ng permit yung mga magrarali. Tapos mga haka haka kung ano ang sasabihin sa SONA. At walang katapusang haka haka kung sino ang dadalo at sino ang hindi, gaano katagal ang speech, ano ang isusuot, maghehelicopter ba o magli limousine, mag pasok ba o wala, at kung ano ano pa. Ang siste, ang SONA ay naging isang malaking kwento na ang build up at anticipation ay nagpi peak sa araw ng SONA mismo. Ang climax ng istorya ay ang pinaka speech na mismo ng pangulo. Lahat tayo, ang sambayanang Pilipino naging bahagi na ng malaking palabas na ito. Tayong mga ordinaryong mamamayan ang taga panood ng palabas. Mga bida at kontra bida, depende sa political color mo, ay ang mga pulitiko. Mga kritiko ang media, kolumnista, bloggers at mga manonood na rin. Walang katapusang komentaryo, puna, papuri at batikos, Pagkatapos ng isang linggo, ibang palabas naman ang aabangan at panonoorin natin.
May nagbago ba? Wala.
Umusad ba tayo? Hindi.
Nagkaisa ba tayo? Lalong hindi.
Ano ang napala natin? Naaliw tayo.
Sino ang nakinabang? Definitely hindi ang ordinaryong Pilipino.
Sa isang taon, itaga nyo sa bato, mauuulit nanaman ang peryang ito.
No comments:
Post a Comment