Marami na ang nasabi tungkol sa isyung ito. Normal lang na mag react tayo violently, ika nga. Karapatan natin yon. Kum baga, natapakan tayo bilang mga Pilipino, normal lang na aaray tayo.
Ang problema, hindi na natin hinahanap ang dahilan ng prolema. Nainsulto tayo at yun na yon. Bakit di natin matanong sa mga sarili natin, bakit "some med schools in the Philippines" ang nabanggit at hindi "some med schools in India" o "Pakistan" o "Thailand"?
Yes, racist yung statement. Kung ibang bansa ba ang nabanggit, mag re react ba tayo na racist yung programa. Siempre hindi. Hahayaan na lang natin yung citizens ng sino mang bansa ang nabanggit ang mag react. Malas natin tayo ang nabanggit. Pero bakit tayo pa?
Hindi kaya dahil sa may "image" problem tayo as a people? I would rather look at this issue from this perspective. May problema tayo as a people pero ayaw nating tanggapin o harapin. Ngayon kapag naiinsulto tayo because of this image problem, nanggagalaiti tayo. Sana makita natin ang isyung ito from that perspective.
Mabilis tayong mag react kung may mga negative statements towards Filipinos. Instead na maging wake up call ang issue to recognize our faults, the issue became a unifying incident for an ego that was collectively hurt.
Still, Desparate Housewives has no right to those lines. My ego was also hurt.
No comments:
Post a Comment