May halos 8 buwan din akong nawala sa blog na ito. Hindi dahil tinabangan o tinalikuran ko na ang advocacing ito, Wala na lang siguro akong bagong masasabi pa. Pakiramdam ko, nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sa blog na ito. Pagnagkataon, magiging paulit ulit ang mga sasabihin ko dito. Kailangan ko nang itaas ang antas ng adhikain. Walang mangyayari sa pa blog blog. Ang internet ay isa lamang instrumento para sa pagbabago. Hindi nito mababago ang Pilipinas. Nasa labas ng cyberspace ang laban.
Upang maisulong ang laban sa totoong mundo, kakailanganin dito ang pondo. Kailangang maglabas ng pera. Ika nga, put your money where your mouth is. Sa puntong ito, wala kahit isang kaluluwa ang lubusang maniniwala sa kakayahan ng kampanyang ito na baguhin ang Pilipinas, ang Pilipino. Tanging ako lamang ang sadyang nakakaunawa kung saan ito patungo. Sa kadahilanang ito, imposibleng makakalap ng pondo upang maisulong ang kampanya. Sa sarili kong bulsa magmumula ang lahat. At iyon ang dahilang kung bakit nanahimik ang blog na ito. Tag hirap ako.
Kahit ngayon taghirap pa rin ako pero mas maayos na ang kalagayan ko kumpara nitong mga nakaraang buwan. Kahit papaano siguro itong daratng na bagong taon, may masisimulan na ako. Siguro makakapag paimprenta ako ng kahit ilang piraso muna ng ikap sticker. Pag maging mas maayos ang kalagayan kong pinansyal, mas mapapapalaganap ko pa siguro ang kamalayang ikap. Sa kamalayang ikap, doon magsisimula ang lahat.
No comments:
Post a Comment