Thank God it's over. Tear gas lang pala ang katapat nila.
Naging katawa tawa naman tayo sa buong mundo. Pinagpyestahan nanaman tayo ng media.
Father Rober Reyes is now blaming the police for the violence. Oh please. If they did not do what they did, there will be no violence.
According to Trillanes, obligasyon daw ang ginawa niya. Oh please, you have such a strong hero complex.
Bibeth Orteza thanked the media for protecting their group. Oh please. The media was there not to protect them but to get the scoop.
Marami nanaman ang maisusulat ant masasabi tungkol sa insidenteng ito. Isama na ang blog na ito. Ang masasabi ko, isang malaking sablay at papansin ang ginawa ng mga anti GMA. Panibagong dagok nanaman sa atin ito.
Tulad ng nasabi ko na, hindi magtatagumpay ang kanilang balakin. Walang critical mass na akala nila ay mayroon sila. Hindi lumabas ang tao sa Oakwood mutiny. HIndi lumabas ang tao sa kasagsagan ng Hello Garci scandal. Hindi lumabas and tao noong Feb. 2006 coup attempt. Hindi lalabas ang tao sa pangyayaring ito sa Manila Pen. Kung sakaling mag underwear fashion show si Trillanes, baka sakaling maglabasan pa ang mga tao.
Masyado silang nagpapaniwala sa survey. Galit ang tao kay GMA pero wala din silang tiwala kung sino man ang ipapalit, kung meron man. walang mukha na maipakita ang oposisyon na maaaring magpagkatiwalaan. Kahit mga anti GMA forces hindi pinagkakatiwalaan ng taumbayan. Mahirap ba intindihin yon?
Dahil hindi sila marunong umintindi, ayon, sira nanaman ang imahen natin sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment