Friday, November 9, 2007

Nakalulungkot

Batang nagpakamatay dahil sa kahirapan

Mga Bata ng Hapag

Nakapagngingitngit. Hanggang kailang magiging ganito tayo. Lugmok sa kahirapan.

Sa Malakanyang, yung mga mayayamang pulitiko binibigyan pa ng bugkos bugkos na pera samantalang may mga batang kumikitil sa sarili nilang buhay dahil sa kahirapan.

May pwedeng gawin pero kanya kanyang diskarte pa rin tayo. May mga magpapadala ng postcard sa malakanyang. May mga nagpapakalat ng petisyon upang magresign ang nasa malakanyang. Pero ang mas nakararami sa atin, sadyang wala nang pakialam. Masisisi ba natin sila?

May gusto akong gawin pero di ko magawa. Gusto kong magkaroon ng isang kampanya. Kampanya na pupukaw sa kamalayan ng bawat Pilipino. Kampanyang magiging bahagi ang bawat Pilipino. Kampanyang walang mukha. Kampanyang pakakaisahin tayo.

Kung kailan ko maisakakatuparan ito, di ko alam.

No comments: