Saturday, March 10, 2007

Ang Kumpil

Di ako relihiyosong tao. Napapasok lang ako ng simbahan kung may okasyon. Mag a attend ng kasal o kinuhang ninong sa binyag. Sa araw na ito, napasok uli ako sa simbaha. Kinuha akong proxy na ninong ng isang kakilalang magpapakumpil. Magpapakumpil sya dahil requirement ito para makasal sa simbahan.

Sabi sa akin, 8:30 ng umaga ang kumpil. Mga 8:00 pa lang nasa labas na ako ng simbahan ng Quiapo. Doon gaganapin ang kumpil. Nauna pa ako sa aanakin sa kumpil. Nang magkita kita sa labas ng simbahan, sabay ng pumila sa labas ng Jaime Cardical Sin Building. Isa isang pinapapasok ang mga kukumpilan at mga ninong at ninang. Karamihan o halos lahat ng kukumpilan ay magpapakumpil dahil magpapakasal.

Sa thied floor ng building kami pinapunta. Mga 75 din ang kukumpilan. Sa tig P200 bawat ulo, malinaw na P15,000 ang kita ng simbahan. Iba pa yung P50 na kailangang bayaran pagkuha ng certificate. Nsa isang side ng kwarto ang mga kukumpilan at nasa kabila naman ang mga ninong at ninang.

Mga 8:45, may pumunta sa harapan ng kwarto. Levi pangalan nya. Pinaliwanag niya ang mga teknikal na aspeto ng kumpil; pag claim, maling pangalan, bakit hinahanapan ng kung anu anong dokumento bago kumpilan, etc. Mahigit isang oras din ang paliwanagan. Pagkatapos niyang magsalita, sumunod naman ang isang babae na di ko malaman kung pinakilala nya ang sarili nya. Ang papel naman nya ay ipaliwanag ang ispiritual na kahalagahan ng kumpil. Boring.

Sa pagpapaliwanag sa significance ng kumpil, halatang di ganun ka interesado yung mga tao sa sinasabi ng nagle lecture. Halos lahat siguro ang feeling, let's get it over with. Alam naman ng lahat na kaya sila nandun ay dahil sa red tape. Kailangan nila ng certificate na sila ay nakumpilan bago sila pwedeng makapag pakasal.

Habang nagsasalita yung babae, marami nanaman akong naiisip. Ang nae experience ko nang mga oras na iyon ay salamin lamang ng mas malaking problema ng simbahang Katoliko. Ewan ko sa ibang relihiyon dahil sa simbahang Katoliko lang naman ako nakakapasok, pero ang feeling ko ang lahat ng ginawa ng mga Katoliko ay pawang mga ritwal lamang. Ang binyag, ang kumpil, ang kasal at pati mismo ang pagsimba, ito ay pawang mga ritwal lamang na kanilang ginagawa kasi dapat nilang gawin. Hindi naman talaga lubusang naiintindihan ng mga Katoliko ang kahalagahan ng bawat sakramento. Basta makapag simba, yun na yon. Basta maka kumpisal, yun na yon. Pagkatapos na ritwal, balik uli sa kung ano man ang mundo nila sa labas ng simbahan.

Bakit ba nagpapakumpil ang mga tao sa loob ng kwartong iyon? Dahil kasi kailangan nila ang certificate para makapagkasal sa simbahan, isang panibagong ritwal. Pipilitin ng simbahan na ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat ritwal. Sa mga oras na iyon, pinapaliwanang ang kahalagahan ng kumpil. Sa mga ikakasal, kailangang dumaan sa seminar. Pero yun na yon para sa simbahan. Magbibigay sila ng paliwanag bago magkumpil. Pati pala sa binyag nagbibigay na din sila ng paliwanag. Sa kasal, pinagse seminar ata. Pero naisasa puso ba talaga ng mga taong ito ang kahalagan o ang ibig sabihin ng mga ritwal na pinapasok nila? Siyempre hindi. Basta maiparaos lang ok na yon. Ang ganitong sistema ay sinasalamin ang dahilan kung bakit kahit na tayo ang nag iisang Kristyanong bansa dito sa Asya, hindi naman talaga kabutihan ang nangingbabaw sa ating lipunan.

Magampanan lang ng simbahan ang mga ritwal na dapat nyang gawin, ang magmisa, magbinyag, mgakasal, magkumpil, etc, ok na yon. Doon na natatapos ang lahat. Wala na siyang pakialam kung isinasabuhay ba talaga ng kanyang mga taga sunod ang turo ng simbahan. Ina assume nya na lang na ganun na nga. At sa kamatayan na lang magkakaalaman, kung langit ka o impyerno.

Kaya ayun, imbes na ang simabahan ang maging tagapaggabay sa tamang asal, tamang gawain, tinatapos ng simbahan ang kanyang papel sa lipunan sa pagko conduct ng mga ritwal. Bahala na ang tao kung isasapuso niya ang mga turo ng simbahan. Hindi na pinupukpok ang mga tao sa turo ng relihiyon tutal may impyerno naman silang panakot sa mga hindi susunod sa utos ng simbahan. Kaya kahit tayo'y isang Katolikong bansa, laganap ang "kasamaan" sa ating lipunan.

Nalala ko tuloy yung rally na pinatawag ng mga obispo laban sa charter change last December. Ang sabi nila, hindi charter change ang kailangan kundi character change. Agree ako. Kaso pagkasabi nila nun, may ginawa ba silang hakbang para ma initiate yung character change na sinasabi nila? Wala. Pagkasabi ng statement nila, yun na yun. Bahala na ang tao kung pakikinggan ang panawagan nila basta sila sinabi na nila yung sa palagay nila ay dapat nilang sabihin. Pero sa palagay ko, dapat sige pa. Hindi lamang dapat inili limit ng simbahan ang gawain nila sa mga ritwal. They should inspire "goodness" in people kaso hindi iyon ang nangyayari. Sapat nang may nakokolekta sila sa bawat ritwal na isinasagawa nila.

4 comments:

angel said...

para sa iyo na ang labels ay ALA LANG.. g.OR GNG, OR BNB...

Magmuni ka na lang sa sarili mo kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay mo.. ang mamuhay ng puro angal at komento o ang mamuhay ng masaya. Huwag kang puro angal kasi pag ganyan ka palagi ni rereject mo ang blessings!!! ng lalikasan at ng DIYOS kung may kinikilala ka...

Ang haba ng angal mo... walang kwenta puro negatibo..isang anggulo lang ang kinumentuhan mo , dapat may positibo din..


NAWA'Y MALIWANAGAN KA NA BAGO KA DUMATING SA HULING SAKRAMENTO...


angel

Anonymous said...

I agree minsan nagiging ritwal lang pero let me share you a story:

Ganito yun! may isang bata na nakahuli ng isang baby ibon na bumagsak mula sa pugad sa isang puno. So inuwi ito ng bata sa kanilang bahay. Ng makita niya ang kanyang ama inilagay niya sa kanyang likod ang kanyang palad na may hawak sa ibon. Pinahulaan nya sa ama kung ang ibon na hawak nya ay buhay ba o patay na.

Ang sagot ng Ama: " Ang Kasagutan ay nasa Palad mo"

Wise ang sagot ng ama dahil kung sasabihin nya na buhay ito maaring pigain ng bata ang ibon upang mamatay o vice versa.

Gayon din sa Simbahan.... Ang simbahan ay binibigyan tayo ng paliwanag ukol sa mga gawaing nito sa pamamagitan ng SERMON, SEMINAR at iba pa. Ibinibigay nila ang facts na importante upang maisabuhay natin ang mga aral nito. NGUNIT nasa ATING MGA KAMAY kung ating pakikingan ito at iintindihin o ipagsasawalang bahala lamang.

Ang mga sakramento ay Hindi lamang Ritwal ito ay paraan kung saan maari nating madama ang PAgibig ng Diyos!

Ako, ikaw, at lahat tayong Katoliko? Ano ang ginawa natin upang maintindihan at Maisabuhay ang Ating Pananampalataya?

Unknown said...

TOTOO yan, isang daang porsiyento, sapagkat hindi po sila ang magsasagawa ng pagbabago kundi ang sarili natin mismo kaya nga may character at attitude na ibinigay ang Panginoon sa bawat isa sa atin dahil ang charater na iyan ay kailanagang payabungin sa mabubuting mga gawain ng katawang lupa natin. It's because that Change that the Bishop is throwing to each and every mind of all people is the character cahnge which absolutely must start from ourselves.it's because how will you say that there must be a change if you yourself does not change the way you think, speak, and act. Pagnilayan mo itong kasabihan kapatid ko "You are a change to somebody if you change yourself." understand in the deep sense

Anonymous said...

Sumunod ka sa utos ng Dios hindi utos ng pari na katha ng tao lamang walang kumpil na mababasa sa bibliya walang binyag para sa bata ang binibinyagan yung nagkasala na at nagsisi at walang bayad., Walang kumpisal sa pari batvsa pari ka magkumpisal nagkasala ka ba sa kanyaapayawad ka ba ng pari , sa Dios ka dapat magkumpisal kc sya ang magpaparawad sau hindi sa pari at qng kanino ka nagkasala dun ka humingi ng tawad hindi sa pari mamata itsismis ka pa ng oari sa mga kaibigan nya,,nagkumpisal ka nga sa pari d mo nman lahat sinabi lalo nadagdagan angvkasalan mo dahil utos ng Dios na wag ka magsinungaling...