Dito sa amin sa looban, kapag tinatamad magluto, ang takbuhan, sa kanto para bumili ng lutong ulam. Kahapon habang napi piano ako ng mga kaldero, yung isa isa mong tinataas yung takip para malaman kung anong putahe ang laman, nagkakabiruan ang mga tao.
Sabi ng taga takal ng ulam sa karinderya, "alam ko kanino galing yang pera mo. Ah, iyan alam ko rin kung kanino galing iyan." Nagtaka ako kung ano yun pinagsasabi nya. Mga malulutong na P50 ang ibinabayad sa karinderya. Yun pala, may mga pulitikong namimigay ng pera at sa gabi ito nagaganap. Sa loob loob ko, sana matalo yung namudmod ng pera para madala. Kapag nanalo ang pulitikong ito, tiyak mahigit sampung beses pa siguro ang balik ng pinuhunan niya sa panunuhol at pangangampanya. Siyempre yung mga taong nabiyayaan syempre natuwa pero sana pag isipan nila ng husto kung sino ang iboboto nila.
Ganito ang realidad sa looban. Mag sasanto santohan ba ako at sasabihin sa mga tao na huwag tanggapin ang pera? Baka ang isagotlang nila sa akin, "Sino ka? Mapapakain mo ba ang mga anak namin?" Kaya ayun, mere spectator lang ako sa garapalang pamumudmod ng pera ng mga pulitiko. Kung mag isa lang akong magsasalita sa lugar namin di iyon uubra. Ang pangungonsensya, di pwedeng pa isa isa. Collective dapat ang approach. Ganun ang target ko sa GOOD CITIZENSHIP na kampanya. A strategy that will collectively influence the Filipno psyche.
Which reminds me. Almost a year ago, I tried to take a photo of the tattered flags displayed at the NBI headquaters head office along Taft Ave. I was accosted by NBI agents and was brought inside the compound for interrogation. Their first question, after verifying my identity, was why I was doing what I was doing. I just told them that it just doesn't feel right everytime I pass by their building, I see our tattered flags still on display. Their follow up question was, "Sino ka? Anong klaseng makabayan ka?" Or something to that effect. For almost two hours, I was passed around various offices before they finally let me go after being convinced that I am not a terrorist or an enemy of the state. That I was merely trying to expose a practice of bad citizenship, displaying tattered flags.
The whole incident simply validated my view of what we are as a people. Na bad citizenship ang nangingibabaw sa atin. Wala tayong paki kahit araw araw nating nakikita yung madumi at punit punit na watawat natin. Hindi natin pinpahalagahan ang ating sagisag tapos magtataka pa tayo kung bakit ganito ang bansa natin. We need to raise our morale as a people. Kaso ang ginagawa natin hilaan tayo ng hilaan pababa. Na tayo ang tama at yung kabila ang mali. We never tried to find a common ground. GOOD CITIZENSHIP is our common ground. But it seems there is no one out there who wants to take this issue seriously.
Sinubukan kong "magpakabayani" sa NBI pero hindi sila makapaniwala na ginawa ko lamang yung ginawa ko dahil sa pagmamahal ko sa bayan ko. Hindi na ako nagpakabayani habang pinag uusapan ang pamumudmod ng pera ng mga pulitiko. Pag nagsalita ako, tiyak pagtatawwnan lang ako. May ibang paraan pa.
No comments:
Post a Comment