Part of GOOD CITIZENSHIP is to admit ones mistake and to say sorry kung sino man ang nasaktan. Pero yung "sorry" ni Oreta, hindi naman talaga sorry iyon. May agenda yung "sorry" nya. Ang makabalik sa Senado.
Hindi ko pa napapanood yung ad ni Oreta. Madalang lang naman kasi ako magbukas ng tv. Nakakasuka kasing mapanood yung mga political ads. Kahit itong ad ni Oreta, wala akong balak na abangan. Ang akin lang sana matalo sya.
Nang matalo sya sa halalan noong 2004, napabalita na naging relihiyosa sya. Ganun? Kailangan bang ipagsigawan yon? Tapos noong napabalitang hindi sya mapapasama sa lineup ng opposition, biglang bumaligtad kasama si Sotto? Ano yun? Ganun ba talaga sila kagahaman sa pwesto? Walang prinsi prinsipyo, ang importante maupo sa pwesto. Dahil nangungulelat sa survey, ngayon may pa sorry sorry pa sya? Hellloooooooooo.....
Magsorry sya sa lelang nyang panot. Kung talagang sorry sya sa pagiging dancing queen nya, dapat noon pa nya ginawa, noong hindi pa sya nangangampanya. Noong sinasabing naging relihiyosa na sya. Kung talagang sorry sya, umatras na lang sya sa pagtakbo para hindi pag isipan na may iba syang motibo.
Yung nasa malakanyang naman, kaagad agad nag sorry dahil political survival nya ang at stake. Pero syempre alam natin na hindi sincere iyon. Naghahanap lang sya ng karamay. Para sa akin, kapag ang pulitiko ang nag sorry, mahirap tanggapin. Dahil alam ko may iba silang agenda.
No comments:
Post a Comment