Surfing led me to this blog of Howie Severino. On his post is the Inquirer column of Randy David.. Sabi ni Howie, kahit na halos madaling araw na pinapalabas ang I-witness sa tv, mapapanood naman ito sa ibang medium tulad ng sa sinehan, CD, DVD at youtube. Sabi nya, versatile ang medium ng I-witness. Pero kahit papaano, ni recognize nya na powerful medium pa rin ang tv na sinabi naman ni Randy David sa column nya.
Ayon sa column ni Randy, television "can produce change in values". Sa totoo lang, ang predominant values natin ngayon, hindi nahubog ng simbahan o eskuwelahan. Nahubog ito ng media, mapa radyo, tv o dyaryo. Ang problema ang mga namumuhunan ang may desisyon kung ano ang ipalalabas nila. Kung saan sila kikita doon sila. Yung mga public service programs, pa image lang yon. I don't think sincere ang mga yon. Profit pa rin ang labanan.
Noong bata pa ako, ang lagi kong napapanood na balita yung NEWSWATCH ni Harry Gasser. Straight forward yung balita. Pero ngayon, yung away ni ganitong artista kay ganyan nasa primetime na. Talagang nakakabobo di ba? Pero yun kasi ang gusto ng tao, yun ang magre rate, kaya iyon ang pinapalabas nila. Iyon ba ang serbisoyong totoo? Serbisyo sa kabobohan yon.` Ito kalakaran ng mediang ito ang kailangan nating labanan. Pero hindi sila dapat kalabanin. Dapat silang gamitin. Kailangang mabaligtad ang sitwasyon. Kailangang magamit ang media upang mapalaganap ang tamang kamalayan. Gamitin ang media upang mapalaganap ang pagka makabayan nating mga Pilipino. Gamitin ang media upang mapalaganan ang GOOD CITIZENSHIP. This will cost, a lot.
With the right foundation and ground work, we can make this work. With the right packaging, the public will "buy" the GOOD CITIZENSHIP product. Almost every Filipino has some degree of frustration in their being a Filipino. We need to capitalize on that frustration by making them feel good being Filipinos and at the same time telling them what is wrong with their habits, manners and mindset. If senatorial candidates can conduct a nationwide campaign to capture the imagination of the voting public, why can't we do it on a GOOD CITIZENSHIP campaign?
Because we don't have the money, individually that is. Are there people out there willing to throw away their own hard earned money for this campaign? I doubt it. so how can I move this campaign forward? I will find a way.
1 comment:
Hi!
Post a Comment