Kakapanood ko lang ng episode ng Philippine Agenda, isang News and Public Affairs program ng channel 7. Mga ilang linggo na rin akong hindi nanonood ng tv. Ngayon lang uli at nakaka depress pa ang napanood ko.
Topic sa episode ng programa ang state of Philippine education. Siguro hindi na lingid sa kaalaman natin kung gaano ka talamak ang sistema ng edukasyon. We all know that there is so much to be desired in our educational system. Sa programa, nagkaroon ng mukha ang klase ng edukasyon meron tayo.
Naantig ako ng husto doon sa batang babae na 12 taong gulang na nasa grade 1 pa lang. Kailangan nya pang mamulot ng basura para may pang baon. Masigasig ang bata mag aral. Ayaw nyang mag absent. Aktibo sa klase kahit kulang sa timbang. Napa shit na lang ako ng sabihin ng nanay patitigilin na sya sa susunod na pasukan. Parang gusto na lang yatang pagkakitaan ng nanany yung anak. Di ko masyado nakuha yung dahilan kung bakit patitigilin yung bata.
Yung teacher tricycle driver bago at pagkatapos ng klase. Yung isang estudyante, amgtitinda muna ng pandesal sa umaga para may makain ang mga kapatid bago sya pumasok.
Inabangan ko kung ano ang io offer na solusyon ng programa. Ayun, nauwi sa boto. Ang sabi, pag isipan ng husto kung sino ang iboboto. Ako? Wala, wala akong maio offer na solusyon. Malalim ang ugat nito mula sa kariharap, pulitika, corruption. It is the state of our nation. Sa munting simulaing ito, nawa'y lumuganap ito at magtulong tulong tayong mapabuti ang kalagayan ng ating bansa.
No comments:
Post a Comment