When I first saw the trailer of this movie, alam kong hindi sya maganda. Sa trailer pa lang, mukha siyang pito pitong pelikula. Out of curiousity, pinanood ko kanina. Di nga ako nagkamali.
I know Jun Urbano means well. He has a message to share to all of us. His call is for us to change by showing what is bad about us. He is sincere and that his intentions are pure. Unfortunately, he failed miserably.
Sobrang pangit talaga ng pelikula to the max. I don't even find their comedy funny. Some even borders into being insulting. The movie tries to appeal to our senses but the movie itself doesn't make sense at all. The plot is just too absurd.
The movie tries to show the kind of citizens that we are. That we are bad citizens. Mga pulis na nangongotong. Mga pulitikong kurakot. Taxi driver na mapagsamantala. Mga umiihi sa pader kahit may karatulang bawal umihi. Mga estudyanteng walang alam sa kasaysayan. Pinapakita ng pelikula ang mga mali sa atin bilang mga mamamayan. Pero pati yung pelikula, napakagandang halimbawa kung ano tayo, mediocre. The movie is soooooo mediocre. Wala ka man lang makakitaan ng attempt na mag stive for excllence. Yung tipong basta matapos lang, ok na. Walang karapatan ang pelikula na magsabi kung ano ang mali sa atin dahil yung pelikula mismo isang malaking pagkakamali. Taong 2007 na pero yung pelikula parang circa 70s pa. Ganun na lang ba talaga ang kaya natin?
Sayang ang pera. Sayang ang oras. Lahat sayang. Maganda sana ang intensyon kaya lang pati yung pelikula nagpe perpetuate ng culture of mediocrity.
2 comments:
baka pinakita rin ng producer yung tunay na kalagayan ng movie industry sa ating bansa, hindi kaya?
Hindi ako kritiko. I'm speaking from personal taste. Maaaring makita sa point of view ng state of Philippine movie industry. Pero showing din ngayon yung Siquijor which I believe is also a low budget film. Pero kitang kita mo yung attempt na maging different, mag iisip ka tulad nung mga insekto na sinama nila sa scenes. May element of creativity. Hindi naman excuse ang budget to come up with a mediocre output.
Post a Comment