Thursday, March 22, 2007

The Elite Mindset

Para sa post na ito, kung sino ang hindi masa, yun ang magiging definition ng elite. Yung ABC class, yung mga pa gimik gimik, yung mga nagkakape sa starbucks o figaro, yung nakakapasyal sa boracay at baguio, yung mga tumira sa ibang bansa at nagpalit ng passport, yung mga naging successful na OFW, basta alam nyo kung sino kayo. Kayo ang tinutukoy ko na mga elite sa post na ito.

Marami sa atin malaki ang malasakit sa bayan. May mga naglakbay o nangibang bayan sa atin at nakita natin ang progreso at kaibahan sa ibang bansa. Maayos. Malinis. May disiplina. Progresibo. Halong inggit at panghihinayang ang ating nadama. Bakit hindi ito magawa sa Pilipinas? Bakit hindi ito magawa ng mga Pilipino? Bakit kulelat tayo?

Alam natin na malaki ang problema ng Pilipinas. Masalimuot. Kumplikado. Malalim ang ugat. Lahat tayo may kanya kanyang opinyon. Gusto nating makatulong.

Sa mundo ng internet, napakaraming initiatives ang mga nakita kong binuo, binubuo at tiyak ko marami ang bububuin pa. Gusto nating maging bahagi ng pagbabago at makatulong sa pagtaas ng antas ng kabuhayan ng mga Pilipino. Walang masama doon. Katunayan, kahanga hanga yon. Pero ang tanong, sapat ba iyon?

Miyembro ako ng isang yahoo group, ang ofcouncil. Samahan ito ng mga Pilipino na mga naninirahan na sa ibang bansa. May mga OFWs din at mga Pilipinong nandito sa Pilipinas. Ika nga, sila/kami ay mga brdigebuilders, torchbearers at pledgekeepers. Walang masama. Ang problema, ang mindset. The elite are always looking at our national problem from their/our point of view. Yung point of view ng masa, yung mas nakakarami, hindi nakikita.

Mahaba haba rin ang pakikipagbalitaktakan ko sa grupo noong simula. Ang una kong tanong, how will the magtataho come into the picture. Ang sagot, if this initiatives becomes successful, then they will benefit from it or something to that effect. Trickle down effect, ika nga. Di ba napaka elitista ng mindset. Para bang sinasabi sa magtataho, maghintay ka lang at makikinabang ka rin.

May mga overseas fund, investment board at kung ano ano pang mga terminong mahirap unawaiin ng magtataho. Ngayon, napaka excited ng mga post nila tungkol sa binabalak nilang walk in clinics in every town. Again, walang masama. Ang tanong, will it make a difference? Kung ang magiging assumption ay ang pagiging sucessful ng initiative, of course, it will make a difference. So the next question is, will it succeed? I doubt it. I wish them success but I doubt if it will succeed. Masasayang lang ang lahat ng effort at resources nila. Mapupunta lang ito sa wala. Hindi ko pwede i post ito sa yahoo group nila at baka mabansagan pa ako ng crab mentality at kontrabida. So I will just keep my comments here in my blog.

Why do I think this initiative won't succeed? Because of the mindset. Marami na ang mga gumagawa ng iba't ibang initiatives. May pa donate donate ng libro, damit at kung ano ano pa. May mga nagtatayo ng eskwelahan. May tumutulong sa mga binagyo. Siyempre ang pinaka sikat, ang pagconduct ng mga medical at dental missions. Libreng gamot, libreng bunot, libreng tuli, libreng konsulta, libre lahat. Syempre yung nakatanggap ng libre tuwang tuwa. Yung nagbigay ng tulong, natuwa din dahil nakatulong sya. So lahat masaya. Pero may nabago ba? Wala. Sadly, the culture of mendicancy is perpetuated.

When we give something for free, "no strings attached", the "you have and I have none so you should give me" attitude is reinforced. My advocacy is to put strings when we give something. People who receive must take some form of responsibility. That responsibility is for them to become good citizens. Tell the masa to be part of change. The best time to inspire them to change is when they are on the receiving end.

What does the OFCouncil got to do with this since they are not really giving anything away? It's the mindset. It is not enough to say to ourselves that we did something for our country if we really want change to happen. The elite must go down to the level of the masses and see things from their point of view. The masses are also people. They have feelings and emotions. They need the respect and confidence. They should be part of the picture. If we don't see things from this perspective, nothing will really change.

Let us continue making donations and holding medical missions. Let us involve oursleves in various selfless initiatives. Let us continue to discuss what is best for our country. But let us involve the ordinary folks by making them take responsibility. They just can't be spectators and always on the receiving end. They should also do their share in nation building by becoming good citizens. And our responsibility is to inspire them to become such citizens.

2 comments:

SeƱor Enrique said...

"... They should also do their share in nation building by becoming good citizens. And our responsibility is to inspire them to become such citizens."

Completely agree with you!


Eric

FREE INTERNET USING SMARTBRO said...

Hi guys… gusto nyo ba ng libreng net at magandang site for blogging and sharing ideas about computer and other cool stuff? just visit our website… you’ll definitely enjoy the site as well as free internet for smart, globe, and sun user..