Ano kaya kung bawat isa sa atin ay may pledge card. Ang pledge card na ito ay lagi nating dala at araw araw binabasa upang maisa puso ang mga nilalaman. Ka size nito yung atm para kasyang kasya sa wallet. Sa isang side ng pledge card, nakasulat ang
Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’s kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang
Makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan ng walang pag iimbot
At buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
Sa isip, sa salita at sa gawa.
Sa kabilang side naman ay ang Sumpa Ko...
Parang ganito ang nilalaman ng Sumpa Ko side,
Sumpa ko,
1) Igagalang ko ang watawat at aawiting ng buong puso ang Pambansang Awit.
2) Tatangkilikin ko ang gawang Pilipino at ipo promote ko pa ito sa ibang bansa.
3) Ako ay matitipid at mag iimpok.
4) Lagi kong paghuhusayin ano man ang gawain.
5) Hindi ako mandaraya, manlalamang o mang iiisa.
6) Sa lahat ng usapan, ako ay darating sa takdang oras.
7) Hindi ako magkakalat o magtatapon ng basura kung saan saan lang.
8) Lagi akong pipila at hindi makikipag unahan.
9) Ang mga turista ay aking igagalang at hindi pagsasamantalahan.
10) Tutulong ako sa mga nangangailangan sa abot ng aking makakaya.
11) Hindi pwede ang pwede na. Kailangan da best.
12) Hindi ko iboboto ang mga trapo na pansariling kapakanan lang ang pinapahalagahan.
13) Hindi ako mangsusuhol at hindi magpapasuhol.
14) Hindi kailanman ikahihiya ang pagka Pilipino ko.
15) Igagalang ko ang opinyon ng ibang tao.
Pwede pang baguhin, bawasan o dagdagan.
Tapos i sponsor na lang ng mga malalaking kumpanya ang pag imprenta nito kung saan pwede nila ilagay ang pangalan at logo ng kumpanya nila. Siguro kahit papaano magkakaroon ito ng collective effect sa ating mga Pilipino na magkaroon tayo ng character change. Mas maganda pa siguro kung may versions ito ng iba't ibang major languages sa atin. Hahanapan ko ng paraan upang magkaroon ito ng katuparan.
No comments:
Post a Comment