Sila ba ay makabayan o sila ba ay panggulo ng bayan?
Simulan natin sa OAKWOOD MUTINY. Mga junior officers ng militar, kinontrol ang Oakwood sa Makati para ipakita ang kanilang pagkadismaya sa kasalukuyang gobyerno.
Makalipas ang ilang buwan, ang former ATO chief, kinontrol ang NAIA tower, bilang protesta sa umiiral na sistema ng pamahalaan sa Pilipinas.
Tapos kahapon, nagpyesta nanaman ang media. Mga bata hinostage bilang pagtutol sa political dynasties at rampant stealing in government.
Sa tatlong insidente, kitang kita ang frustration sa klase ng pamamalakad ng mga pulitiko sa ating bansa. Masyado nang naipon ang frustration na iyon kaya napunta sa act of desperation. Gumawa na ng krimen para lamang maipahatid ang kanilang hinaing sa pamahalaan. Kung tutuusin, di naman sila mga ordinaryong Pilipino. Mga may kaya at may pinag aralan. Pero bakit humahantong sa karahasan ang frustrations nila? Isa lang ang nakikita kong dahilan, atensyon.
Alam na nating lahat na corrupt ang pamahalaan magmula sa mga ordinaryong empleyado ng gobyerno hanggang sa kataas taasang pinuno nito. Na puros pansariling interes lamang ang alam ng mga pulitiko. Pero may ginagawa na ba tayo para labanan at tutulan ito? O nagkikibit balikat na lang ba tayo at tinatanggap na ganun talaga ang kalakaran dito sa ating bansa? Para sa iba nating mga kababayan, napuno na ang salop. Gumawa na sila ng hakbang kahit labag sa batas. Justified ba ito? Para sa akin, sa kahit anong anggulo mo tignan, hindi justified ang mga ganitong pamamaraan. May ibang paraan pa upang makakuha ng atensyon.
Sa paggamit ng armas, di malayo na may maaaring mapahamak. Maaaring may mga buhay na madamay. May mga inosenteng masasaktan. Pero kailangan nila ng armas para sila mapansin. Kung magtatalumpati sila sa gitna ng kalye upang ipahayag nag kanilang saloobin, baka isiping may topak pa sila. Pero kung may hawak silang baril at granada, tiyak pyesta ang media.
Pero hindi naman kailangang may baril ka para mapansin ng media. Ang kailangan lang naman, magiging kakaiba ka. Be creative. May mga ibang pamamaraan pa upang maipahayag ang ating pagka dismaya. May ibang paraan pa upang makuha ang simpatya ng tao. Hindi natin kailangang magpapansin. Gumawa na lang tayo ng mga bagay bagay na kanilang mapapansin. Dapat ang atensyon, nasa isyu hindi sa tao. At kapag nagtanong ang media ng sino, wala silang makikitang kasagutan dito. Ganun dapat. May ibang paraan pa.
No comments:
Post a Comment