Isang paumanhin kay mlq3 sa pagkopya ko ng title ng blog nya sa Inquirer. Hearts and minds ang labanan. Whoever can capture the imagination of the people, yun ang panalo.
Ang pagngangawngaw ni Norberto Gonzalez na ang mga partylist groups na BAYAN MUNA, GABRIELA, ANAKPAWIS na mga front ng komunista ay may batayan. Isang maka kaliwa si Gonzales bago sya napasok sa Malakanyang. Normal lamang na ide deny ito ng mga nabanggit na party list groups. Pero hwag na tayong maglokohan. Totoong mga front sila.
I was once a part of the underground left. Yung sense of nationalism ko ngayon doon nag ugat. Marami sa mga dating kasamahan ko sa kaliwa ngayon ay nasa main stream na. Nagulat nga ako ng marealize ko na si Malou Mangahas top executive na ng GMA samantalang noon isinisigaw namin sa kalye, "Palayain si Malou Mangahas!".
Anyway, maliit lang ang naging bahagi ko sa kilusan pero nakita ko kung paano sila nag o operate. Yung mga legal na organisasyon binubutasan. Ibig sabihin, magpapasok sila ng kaalyado nila at pilit iimpluwensyahan ang mga policies at patakaran ng legal na organization. Pilit nilang ipapasok ang kanilang influence hanggang makuha nila ang liderato. Habang ginagawa ang "pagbutas", may underground cell na gumagabay sa legal personality para magbigay ng political direction sa pagbutas. Ganun ang gawain. Ang gawain ay magbutas ng mga legal na organisasyon. Pero sa ngayon, ang pagtatayo na nang legal na organisasyon ang kanilang ginagawa.
My point being , may personal knowledge ako sa gawaing ito. But that was years ago. Pwede nilang sabihin na hindi na nila ginagawa ito, which I doubt. In the past two elections I voted for BAYAN MUNA. The vote is essentially a support in their participation in the electoral arena. I want that. I want them to join the mainstream.
Initially, BAYAN MUNA got three seats. I guess that was in 2001. I got suspiscious of their intentions when they branched themselves out to include GABRIELA and ANAKAPAWIS. Now there is a new one, the KABATAAN party list group. At this point, I realized na pera pera lang pala ang hanap nila. The pork barrel must have been so sweet that they wanted more.
At the height of the Batasan 6 issue, I engaged Rep. Teddy Casino in a discussion in their their blog with regards to my personal call for them to denoucne/renounce armed struggle. (The blog is not there anymore.) Rep. Casino's reasoning is essentially what Ina Alleco said in her blog. It is that it is the right of the people to defend themselves against an abusive regime. Parang scripted tuloy ang mga sagot nila. From legal point of view, syempre hindi sasabihin ng mga party list groups na ito na sinusuportahan nila ang armed struggle. Krimen yon. At the same time, hindi rin naman nila ito ide denounce.
Ang pinakamalaking proof ng "alliance" ng CPP/NPA/NDF with BAYAN MUNA and company ay ang existence ng AKBAYAN, SANLAKAS at PARTIDO NG MANGGAGAWA. The existence of AKBAYAN, SANLAKAS and PM is a reflection of the split in the underground. Kung hindi nagkaroon ng split, magkakaalyado ang mga leftist party list groups. Kaso kahit sila nagbabangayan. So wag na tayong maglokohan. May basis yung sinasabi na front lang ang mga party list groups at malaki ang posibiladad na ang underground left ay nakikinabang sa pork barrel ng mga party list groups.
Sa blog ng batasan 6, tinawag ko ang mga representatives nito na mga ipokrito. Bago pa man sila naupo sa kongreso, sinisigaw nila na ibasura ang pork barrel. Ngayong nakaupo na sila, naririnig pa ba natin sila sa panawagan na i scrap ang pork barrel? Ayun nagpapakasasa na rin sila sa pork barrel. Imbes daw na mapunta pa sa corruption yung perang nakalaan para sa pork barrel nila, might as well gamitin na lang sa kanilang mga proyekto. Palusot. Lubusan akong hahanga sa kanila kung hindi nila tataggapin ang nakakarimarim na pork barrel. Kaso nilamon na rin sila ng sistema.
At dito nag uugat ang lahat. Sinisikil ng gobyerno ang party list representatives dahil alam ng gobyerno na ginagamit lang ng party list groups na ito ang kanilang pork barrel para mapabagsak ang kanilang rehimen. Kung patuloy silang dadami sa kongreso, patuloy na lalaki ang kanilang pondo through the pork barrel. Sinasamahan pa ito ng pananakot at pagpaslang sa mga kaalyado ng mga party list groups na ito. Kaya ayon, gumugulo ng gumugulo ang sitwasyon. Ang reaksyon ng taumbayan? "Bahala kayo dyan kahit magpatayan pa kayo basta kami mas aabangan namin ang latest kay Kris, James at Hope."
This kind of reacton is simply a reflection of the kind of people we are, bad citizens. If we are good citizens, we will mass out in the streets to condemn these killings irregardless of who are being kllled. We will raise our collective voice to demand from government a resolution of the issue. But as a people, we don't. It needs foreign government, international organiations and even the UN to make these killings become a full blown global issue. And the left is obviously trying to extract whatever propaganda mileage they can get out of the issue. Naging katawa tawa pa tuloy ang sitwasyon. Ang kaliwa humihingi ng tulong kay Uncle Sam at nakikinig naman si Uncle Sam habang tayong mga ordinaryong tao ay mga miron lang. Pero mukhang kahit magmiron, hindi interesado ang nakakarami. Kasi karamihan sa atin wala naman talagang paki.
Wala tayong paki dahil nga kasi, most of us are bad citizens. Why we are bad citizens? Ibang usapan na yan. And to turn our people into becoming good citizens, we need to capture their imagination, we need to capture their hearts and minds.
6 comments:
i agree. ang mga pilipino ay kulang ng sense of nationalism. kumikilos lang pag directly affected ng pangyayari.
anyway, i like yoy entries. pwede ba kita i-link sa blog ko? Thanks! :D
*hee. i meant YOUR, not yoy. whatever that is. :)
I got your blog when I searched for Gold in Grass Corp. Anyway, I agree with your views in this post. And it's refreshing to have it from you who had been there. I'd post some excerpt of it in PinoyExchange, along with the link to your blog. I hope it will add traffic here. You deserve to be read.
Mabuhay ka, Kabayan!
tama ka. malaki ang problema natin bilang isang bansa at isang lipunan. ang Pilipino ang sumisira sa Pilipinas.
kikilos lang ang Pilipino kapag alam niyang pagkakakitaan niya ang isang bagay.
ice queen: walang problema kung i link mo ako.
chris: salamat. the traffic will help the cause. i am hoping that through this blog i may be able to find people who will be willing to be part of the good citizenship campaign in the real world.
wow. i am a bad citizen. you really hit me right in the gut. wow. salamat and good luck sa ating lahat. wow talaga.
Post a Comment