Balita pa ba ito?
Sa looban dito sa amin, may nahuling nagsa shabu session. May nakuha ang mga pulis na mga paraphernalia. Isa lang ang nadala sa presinto. Pagdating sa presinto, tawaran portion na. Ang unang hinihingi ng mga pulis P40,000 para hindi sampahan ng kaso. Saan kukunin yon nung pamilya ng nahuli eh hampas lupa lang sila. Hirap na nga sa buhay nagsa shabu pa. Ayun, natauhan siguro ang pulis at alam na di makakapagbigay nang ganung halaga ang pamilya kaya bumaba hanggang P3,000. Pera din yon.
Minsan, yung mga nagbi bingo dito sa may eskenita sa amin nabulabog. Pinagdadampot sila ng mga pulis. Illegal gambling daw. Yung limang nahuli pinagbayad ng P200 para walang kaso. Isang libo din yon, pang good time din sa beerhouse. Yun eh kung nagbabayad nga sila sa beerhouse.
May pulis dito sa amin ang sideline naglalakad ng kung ano mang papeles. Kailangan mo ng lisensya? Sa tamang halaga, sya na ang bahala. Ang ilaw, tubig at cable jina jumper. Ang magsumbong, maaabala para tumestigo sa korte. Kaaway mo pa lahat. Yung nagtatrabaho sa munisipyo, sya na mag aasikaso kung ano man ang kailangan mo, pang kape na lang ang katapat tutal kapit bahay naman.
Iba ang corruption na nagaganap na itaas. Iba din ang uri ng corruption na nangyayari dito sa amin sa ibaba. Sa amin barya barya lang. Sa taas, milyon ang pinag uusapan.
Sabi ni Alex Magno, ang solusyon daw dito, bureaucratic reform. Ano daw? Bureaucratic reform? Baguhin mo man ang sistema ng pamamalakad ng pamahalaan pero hangga't hindi nagbabago ang mindset ng mga taong nasa gobyerno, hahanap at hahanap yan nang butas para makapag sideline. Sila sila din naman ang gagawa ng mga patakaran at guidelines. Matagal nang problema yang corruption na yan. Kahit ano pang batas ang ipasa nila, itaga mo sa bato, walang magbabago. Malalim na ang pagkakabaon sa kultura natin ang ugaling maka isa, makalusot, maka lamang, maka daya, maka parte, at kung anu ano pang maka. Di naman kataka taka kung maging most corrupt tayo sa Asia.
Sa anggulo ng pagkamakabayan, halos wala tayo nito, nada, zero, bokya. Kung may pagmamalasakit man lang tayo sa bayan natin, magdadalawa o magsasampung isip muna tayo bago gumawa nang katiwalian. Kaso yung paggawa ng katiwalian parang automatic na yon. Sa amin na lang, yung mga pipitsuging pulis, suma sideline eh ano pa kaya kaming mga ordinaryong tao lang. Para bang nagkakaroon ng dahilan na gumawa ng kalokohan ang mga tao kasi yung mga awtoridad mismo, gawain nila ito. Pero kung yung mga nasa gobyerno meron man lang kahit katiting na pagmamalasakit sa bayan, magkakaroon sila ng kahit katiting na kahihiyan para gumawa ng kabulastugan. Huwag sasabihin ni Gloria na perception lamang ito. Corruption is a reality, tanggapin nya iyon.
Kaya ang solusyon ko sa corruption, GOOD CITIZENSHIP. Mga Pilipino pa rin ang mga nasa gobyerno. Kung mga good citizens sila, mababawasan at hindi magiging garapalan ang corruption. Kung tayong mga mamamayan namam ay magiging good citizens, hindi na natin tatangkilikin yung mga fixers na yan. Magtitiyaga tayong pumila. Kung mga good citizens tayo, hindi tayo magbibigay at tatanggap ng suhol. Kung mga good citizens tayo, hindi lang yung mga kamag anak natin ang bibigyan ng kontrata sa gobyerno. Kung mga good citizens tayo, hindi tayo magiging most corrupt nation in Asia. Tayo ang number one kasi nananaig sa kultura natin ang bad citizenship. Our country is in a mess because most of our leaders are bad citizens. Karamihan sa kanila hindi magandang example and they themselves help perpetuate the culture of corruption. If majority of our people are good citizens, chances are, we will have leaders who are good citizens. Then we won't be where we are right now. GOOD CITIZENSHIP is the answer.
In his Inquirer column, Jose Ma. Montelibano called this rating from PERC a national shame. From his point of view, it is a national shame. But I doubt if there is a collective feeling of national shame. The people in our neighborhood couldn't care less what this news is all about. The so called intellegentsia, do feel a lot of shame about this report. The people in Malacanang must also be shameful. But on a national scale, there is none. Why? Because we are bad citizens. Bad citizens won't be affected by such reports. For most of us, the report is just "so what?'.
At the end of his column, Mr. Montelibanno said, "This is the moment for Filipinos to realize that it is truly a change in character, from corruption to honesty, from falsehood to sincerity, from compromise to integrity, that is the ONLY way for a nation to cast away its national shame and regain national honor -- and attain progress as well. There is a hint of light in our dark tunnel with more and more Filipinos becoming more and more intolerant of corruption in their lives. Let us seize the moment and begin our journey towards the sun." I agree. So what's next? Is it just a paragraph to end a column or are we going to take concrete steps into that direction? Last December at the anti Cha cha rally, the Church said we need character change. Has the Church taken a concrete step into that direction? We all say we need to change our character. But has anyone, any group really taken this issue seriously?
GOOD CITIZENSHIP is part of the solution but we have to work on it, not just lip service.
3 comments:
Ang pagbabago sa lahat ng nararanasan natin sa pilipinas ay hindi mangyayari overnight. We must remember that it took us years to become the notorious corrupt country that we are known for. Ang kailangan, baguhin ang kulutra sa mga bagong henerasyon -- mula sa kinder, kung pwede. Marami na ang nangahas na gumawa ng simulain ng pagbabago. Pero this is doomed to fail because the culture of corruption and all that is negative is already deeply ingrained in the filipino psyche. Pero kung sisiumlan natin sa mga bata, maaaring magkaroon ng bunga. Tama ka, character change ang kailangan. Napansin mo ba na may ugali tayo (maski man ako, guilty dito) na isisi sa iba ang aking katayuan sa buhay. Pero tayo ang gumagawa ng sarili nating landasin. Hindi makukuha sa pasigaw-sigaw sa kalsada ang ating minimithi. Ang problema nga lang, we filipinos have a short memory. 1986 pinatalsik natin si marcos, pero ngayon andidito sila, nagsisilbi pa sa kongreso! Pinatalsik si erap pero naghahari-harian pa rin siya. It is too late for our generation to change, and we might not even see the day that change will come, pero it is good that there are people like you who at least try to start change. Ito ang tunay na pagiging bayani -- walang ingay, walang yabang. More Power to you! (sorry kung ang comment naging sermon. hehehehe. patawad!)
Parang mahirap para sa aking tanggapin na too late na for our generation to change. I want to see my Dream Philippines in my lifetime.
Marami ang nagsasabi na we need to change. Ang problema walang planned, coordinated, sustained and organized campaign sa isyung ito. Lahat puro salita lang. My vision is to see this kind of campaign materialize. Sa unang tingin parang mahirap gawin at malaking pera ang gugugulin. Pero kung mapa plano lang ito ng maayos, we can make this happen.
I'll grant you that. if you want, upuan natin and let's find a way to get the ball rolling, so to speak. :) sa totoo lang, hanga ako at hindi ka sumusuko sa iyong hangarin para sa pilipinas. saludo ako sa iyo! :) Pero in a realistic perspective, it doesn't matter if we live long enough to see our Dream Philippines materialize, di ba, as long as it happens. e-mail em at rodel.banares@gmail.com if you have time. magandang gawan ng proyekto itong naiisip mo. sana marami ang ma-inspire.:)
Post a Comment